bago matapos ang taon nais ko lang gumawa ng isang blog. bow.
Marami akong naiisp isulat nitong taon pero dahil ang dami at hindi sila organisado hindi ko masimulan ang lahat, isa pa wala akong oras para magisip kung pano ko aayusin ang pagiisip ko. masyadong komplekado. kung mapapansin MO (mambabasa) ang ilan sa mga salita na naririto ay wala sa diksyunaryo dahil sa ngayon ayoko munang sumunod sa batayan kung ano ba talaga ang isang maganda at maayos na sulatin ( sa tingin ko kahit kelan naman ay hindi ko nasunod yun) dahil sa ngayon ay gusto ko lang sumulat (hindi yung literal).
LECTURE NG BUHAY.
marami akong natutunaw ngayong taon na ito ngunit ilan lamang sa mga ito ang ilalagay ko sa huling blog entry ko sa taong 2008. aaminin kong naging sobrang tamad akong tao nitong 2008, tila wala akong makitang dahilan para gumawa pa ng mga bagay na lagpas sa aking kakayahan. alam kong tama ang daan na tinatahak ko peron hindi ko alam kung nararapat ba ako dito. sa kasalukuyan ay 3 semestre na lamang at tapos na ako ng kolehiyo sa isang kursong hindi ko malaman kung bakit ko pinasukan pero natutunan kong mahalin matapos ang taon na pagaaral nito. nasa isang unibersidad na ni sa panaginip ko wala sa ga plano ko nung nasa highschool pa lang ako, unang una ayoko tlaga dito pero kinalaunan sinunod ko din ang payo sa akin ng mahal kong kapatid sa kanyang retreat letter para sakin na “kahit ano pang unibersidad ang pinasukan mo, gusto mo man o hindi, dapat matutuna mo itong mahalin. isa pang aral HUWAG KANG TAMAD! wala pang taong naging maunlad dahil naging tamad sila, wala pang taong nabiyayayaan ng lib-libong pera para lang gawin ang gawain ng mga ANIMALs (pigs). isa pang natutunan ko ay hindi ka dapat nagtitiwala kagad sa mga taong nakikilala mo dapat usisain mo silang mabuti katulad ng pagpili n damit, kelangan bagay sayo at hindi ka magsasawang suotin dahil pag nangyari yun itatambak mo lang sila sa kabinet mo mawawalan sila ng silbi, yun ang dapat iwasang mangyari. sa pagibig… next topic na tayo. game sa magulo sweet nakakakilig at nakakabaliw na pagibig hindi ko pa alam ang kasagutan sa mga katanungan ko, dahil tila subalit mahirap nang malaman kung ano ba talaga ang totoo at hindi. sabi ng lola ko nung isang araw na nagpunta kami sa bataan at inusisa ang lovelife ko, malalaman ko daw na totoong pagibig na yun pag isang araw gumising ka at iba na ang nararamdaman mo para sa kanya kasunod nun ang mahabang lovestory nila ng lolo ko na hindi naman nakakasawang pakinggan sa kadahilanang hindi ko alam. sa pagkakaibigan, sa tingin ko walang kaso kung palagi kayong magkasama dat kung palagi kayong magkatext, ang mahalaga nanjana ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan. meron kasi akong mga naging kaibigan (at sana kaibigan ko parin sila hanggang ngayon) na hindi ko namand palaging kinakausap pero pag kelangan ko ng malalabasan ng lahat ng sh*t sa buhay one text away lang. meron namang dati ay pinagpipilitang magkaibigan kami tapos nung inamin ko na FINALLY na magkaibigan kami, tsaka naman ako iniwan dahil sa isang mali kong nagawa. (alam ko rin naman na mai ang nagawa ko, pero kung buhay at kalayaan ang nakataya, ipagkakait mo ba ito?, hindi ako nagpakabayani, nagpakatao pede pa). meron din akong naging kaibigan na lumalim ang aming samahan nang nagkolehiyo na kami, kumpara nung hayskul na hindi masyadong nagpapansinan. anywho. anyhow. carabao. bow.
taposs na! yes! finally! ang last entry ko sa blog ng 2008. nilagay ko lamang kung anong laman ng utak ngayong nasa peak hour ang utak ko at sale ang mga idea. sanay dumating ang panahon na babalikan ko ang entry na toh at matatawa sa ka-emohan ko.
kitkat faylona 2008 now signing off…
(arti)